Friday, January 8, 2010
"The Longest Christmas Party Ever"
Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behaviors. It is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.
For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. You may visit www.randydellosa.com
**********
RIYO'S DAILY JOURNEY OF LIFE
December 18, 2009
Christmas waves a magic wand over this world, and behold, everything is softer and more beautiful.
~Norman Vincent Peale~
Ramdam ko na ang Christmas fever... kabila- kabila ang mga Christmas party celebrations. At hindi naman magpapahuli ang LCRC sa mga ganyang okasyon. Bilang pakikiisa sa season ay nagkaroon ng Christmas Party presentation.Dumating kami sa Life Change ng 4:00 ng hapon galing pa kaming PUP nun kaya hagard pa ng dumating kami.
Masaya ang atmosphere sa LCRC. lahat ay excited sa mga magaganap sa party, Ganun din sa mga inihandang special presentation ng mga residents, staff at students. Bago magsimula ang program proper- nagsagawa muna ng dress rehearsal. Grabee... talagang sinisigurado na maganda ang flow ng program.
Nagsimula ang program ng bandang 7:00 ng gabi. late ng dalawang oras sa naka'set na takdang oras. Nakaka'inip ang paghihintay at nakakagutom din as well. Ang mga residents ay excited ng simulan ang program.
Sa wakas, nag'start na ang kasiyahan. Sinimulan sa isang panuluyan- ang pagsasadula ng paano ipinanganak ang Panginoong Hesus sa sabsaban. Hindi ako sang-ayon sa story ng Panuluyan. Hindi naman kasi ganun ang nakasaad sa Bible tungkol sa tunay na mga pangyayari sa pagsilang kay Hesus. Aun.
Pagkatapos, naghandog ng mga presentaston ang mga mag'aaral ng UST, PUP at Manila Central University. Kanya- kanyang pasiklaban ng talento para sa ikasisiya ng mga residents at panauhin.
Lubha akong nagalak sa pagtatanghal ng mga residents. lahat sila ay may mga potential na kailangang linangin. Hanga ako dahil sa kabila ng kanilang circumstances ay buong giliw at husay silang nag'perform. wala kang itulak kabigin sa mga performances.
Mas lalo kong na'appreciate ang pagmamahal ng Panginoon sa kanila. Dumadaan man sila sa pagsubok, I truly believe that God has a greater plan for them. Maybe now we cannot understand it because His ways are higher than our ways. I strongly believe that everything has a season. God loves them that He allows them to be in Life Change Recovery Center to learn and to be trained and prepare for the greater challenge in the outside world.
Dahil late ng nag'start ang program, inabutan ng maraming gutom ang mga tao kabilang na ako. haha.. waw.. Catering service ang bahala sa madami naming gutom. I really enjoy the food. parang sana wala ng bukas. Ang sarap ng sisig at fish fillet in buttered lemon sauce. mabenta sa panlasa ko.Umaapaw talaga sa pagkain.. kalimutan muna ang diet. Chow!
Pagkatapos ng masarap na kainan. ipagpatuloy ang naputol na kasiyahan. It’s the nurses and staff turn to show off their talents with a jabbawockeez inspired dance number. Bravo!
Natapos ang program sa congregational singing ng station i.d ng kapamilya network ang " Bro, ang star ng pasko". Tunay na naging madamdamin ang mensahe ng awitin na ang tunay na diwa ng pasko ay walang iba kundi si Hesu Kristo at wala ng iba. hindi si Santa Claus o si Rudolf (hahaa..)
Bro Ikaw ang Star ng Pasko Lyrics
(ABS-CBN Kapamilya artists)
Kung kailan pinakamadilim
Ang mga tala ay mas nagniningning
Gaano man kakapal ang ulap
Sa likod nito ay may liwanag
Ang liwanag na ito
Nasa ‘ting lahat
Mas sinag ang bawat pusong bukas
Sa init ng mga yakap
Maghihilom ang lahat ng sugat
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Tayo ang ilaw sa madilim na daan
Pagkakapit bisig ngayon higpitan
Dumaan man sa malakas na alon
Lahat tayo’s makakaahon
Ang liwanag na ito
Nasa ‘ting lahat
Mas sinag ang bawat pusong bukas
Sa init ng mga yakap
Maghihilom ang lahat ng sugat
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Kikislap ang pag-asa
Kahit kanino man
Dahil ikaw Bro, dahil ikaw Bro
Dahil ikaw Bro
Ang star ng pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Dahil ikaw Bro, dahil ikaw Bro
Dahil ikaw Bro
Ang star ng pasko!
TO GOD BE THE GLORY!
Xoxo,
R.i.y.o
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment